Isang araw bago ang finale ng Miss Universe, naglabas ang Filipino-American make-up artist at social media influencer na si Patrick Starr ng vlog kasama si Liza Soberano kung saan nag-ala Miss Universe ito.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Patrick na may nagsabi sa kaniyang gumawa ng tutorial kung paano aayusan ang isang kandidata sa Miss Universe.

Sa “I turned LIZA SOBERANO into Miss Universe 2023” vlog ni Patrick, napag-usapan ng dalawang Fil-Am stars kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at nang tanungin si Liza kung ano ang mga dapat abangan sa kanya, sinabi nitong nais niyang mag-focus sa acting career nito sa Los Angeles sa Amerika.

“I really wanna become an actress, like a world-class actress, but I’m just getting started with my music or singing career, so I’m signed in a music label in the Philippines called ‘Careless,’ and I’m actually also signed to a music label here in LA called ‘Transparent Arts,’ which is by like the Far East Movement boys. They’re really immersing me into the music industry, I’ve been training a lot here, I’ve been taking vocal lessons, acting,” lahad ni Liza.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inamin din ni Liza na girl crush niya ang BLACKPINK member na si Jennie na nakilala niya sa isang concert, Nobyembre noong nakaraan taon.

Tila hindi naman makapaniwala si Liza na naging bahagi siya ng vlog ng sikat na make-up artist nang ibahagi nito ang collaboration nila ni Patrick sa kaniyang Instagram story.

“Aghhhh!! It's finally out!! Watching your videos has always been a habit of mine and now I’m on your channel! Pinch me, I must be dreaming.”

Nauna nang itampok ni Patrick Starr sa kanyang vlog si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na siya namang ginampanan ni Liza sa “Maalaala Mo Kaya” taong 2017.