CAGAYAN -- Natagpuan ang isang king cobra sa loob ng cabinet ng isang silid-aralan sa Balao Elementary School sa Solana, Cagayan nitong Huwebes. 

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office na nakatanggap ng tawag si Jovencio Payba, Development Management Officer III ng DENR Region 2, mula sa PENRO Sub-office, Solana nang matagpuan ng isang guro ang ahas habang naglilinis umano ito ng silid-aralan.

Agad namang rumesponde ang tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 2 para hulihin venomous king cobra sa loob ng cabinet.

Ang ahas ay may habang 1.4 metro.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Samantala, ligtas naman ang mga estudyante at mga guro ng naturang paaralan.

Sa ulat, pinakawalan din umano ang ahas sa malayong bahagi ng Solana.