Patuloy na kinalulugdan ng mga netizen ang viral teacher-vlogger na si Teacher Jeric Bocter Maribao, guro sa Bag-ong Anonang Diut Elementary School sa Bonifacio, Misamis Occidental, dahil bukod sa kaniyang energetic, kakaiba, at malikhaing paraan, estratehiya, at teknik sa pagtuturo, may libreng pa-almusal din siya sa kaniyang mga mag-aaral.

Ibinahagi ni Teacher Jeric ang kaniyang inihandang almusal para sa mga mag-aaral ngayong Martes, Enero 10.

"Our Breakfast for Tuesday"

"Rice with Corn Cheese Dog, Beef Tapa, Apple, and Corn Coffee."

VIRAL: Guro sa Misamis Occidental, hinangaan sa kaniyang nakakaaliw na teaching strategy

"Thanks be to God."

Naniniwala umano ang guro na kailangang busog ang tiyan at malusog ang pangangatawan ng mga mag-aaral bago magsimulang mag-aral.

Bago kumain ay kinakailangan munang magdasal at magpasalamat ang mga mag-aaral para sa mga biyayang matatanggap nila.

Marami naman sa mga netizen ang patuloy na nabe-bless at nabibigyan ng inspirasyon dahil sa dedikasyon ni Teacher Jeric sa kaniyang propesyon.

Mapapanood ang mga video ni Teacher Jeric sa kaniyang channel na "Jerics Channel".