CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga - Dinampot ng pulisya ang isang mag-asawa matapos mahulihan ng mahigit sa ₱1.5 milyong halaga ng shabu sa Subic, Zambales nitong Sabado.

Kinilala niZambales Police Provincial director Col.Fitz Macariola, ang dalawa na sinaJoemmeirJohn at AngelicaLeapart, kapwa taga-Sitio Bukid, Barangay Calapacuan sa Subic.

Kinumpirma ni Macariola na miyembro ngNaldi Drug Group si Joemmeir at isa sa 'top priority target regional level' ng pulisya.

Nasamsam sa mga ito ang14 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 227.2 gramo ng shabu (₱1,544,960), drug paraphernalias, isang sling bag at₱3,000 marked money.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mag-asawa.

Philippine News Agency