Instant millionaire ang pamilya ni Francis Bautista dahil sa ibinigay na isang milyong piso bilang pamasko ni Kevin Agravante, ninong ng kanyang anak.

“Nangamusta lang po ‘yung kaibigan ko na ninong ng anak ko, tapos nagtatanong kung ano daw ang pwedeng iregalo. Tapos ‘yun na, nagulat ako noong biglang nagsend,” kwento ni Francis.

‘Bark, Merry Christmas, kamusta kayo diyan?,’

‘Uy pre, Merry Christmas din sayo,’

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

‘Medyo hindi maingay ngayon ang pasko noh? Hahaha, kamusta kayo?’

‘Okay lang kami pre, sobrang makulit ‘tong inaanak mo,’

‘Manang-mana sa’yo pre. Magbigay ako ng kaunting gift pre, pwede ko ask BPI account number mo?’

‘Sige pre,’

‘Check mo bank mo pre.’

Akala naman ni Francis na nagbibiro lamang ang kanyang kaibigan sa binigay nito na nagkakahalaga ng isang milyong piso. Hindi talaga siya makapaniwala dahil hindi umano siya nag-expect sa ganoon kalaking halaga.

Dagdag pa niya na pinag-iisipan niya muna kung ano ang kanyang bibilhin, bahay ba o pickup.

Pabiro namang nagreply sa post ang ninong na si Kevin at nag caption ito ng, ‘Pre, pakibalik na lang na wrong sent ako.’

Hirit naman ng isang netizen, ‘Boss lapag ko na ba BPI ko?’