Inanunsyo ng Hollywood actor na si "Henry Cavill" na hindi na siya gaganap na "Superman" sa mga susunod pang DC Cinematic Universe movies, ayon sa kaniyang latest Instagram post.

Aniya, matapos daw ang isang pulong, sinabi sa kaniya na hindi na siya babalik bilang si Superman.

"It's sad news, everyone. I will, after all, not be returning as Superman. This news isn't the easiest but that's life," mababasa sa kaniyang IG statement.

"I respect that James (Gunn) and Peter (Safran) have a universe to build."

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

May mensahe naman siya sa kaniyang mga tagahanga.

"We can mourn for a bit… but then we must remember… Superman is still around."

"My turn to wear the cape has passed, but what Superman stands for never will."

Isa sa mga nalungkot sa balitang ito ang dating basketball player at ngayon ay social media influencer na si Doug Kramer, mister ni Chesca Garcia-Kramer.

"Sad. Probably because black adam didn't do as expected. Terrible news!" aniya.