Ibinahagi ng aktor na si Diego Loyzaga ang bonding moments nila ng ilang cast ng upcoming movie na "Martyr or Murderer" na magsisilbing prequel ng pelikulang "Maid in Malacañang" patungkol sa mga pangyayari sa pamilya Marcos sa kasagsagan ng EDSA People Power I Revolution noong 70s.

Kasama ni Diego na siyang gumanap na "young Bongbong Marcos" ang bagong pasok sa cast na sina Jerome Ponce at Marco Gumabao.

Si Jerome ang gaganap bilang "young Ninoy Aquino" habang si Marco naman ang gaganap bilang "young Ferdinand Marcos, Sr."

Kabonding din nila sina Cristine Reyes na siyang gumanap bilang "young Imee Marcos" at si Ella Cruz na gumanap naman bilang "young Irene Marcos".

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"All work no play makes Diego a dull boy," caption ni Diego sa kaniyang Instagram post.