TIAONG, Quezon — Tama ng bala sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek ang ikinasawi ng isang 45-anyos na foreman habang nagpapahinga sa isang kawayan na silya noong Lunes ng gabi, Nob. 28 sa Sitio Ibaba, Barangay Cabay sa bayang ito.

Dead on the spot ang biktimang si Reynante Aquino, at residente sa nasabing lugar, ayon sa ulat ng pulisya.

Bukod sa tama ng bala sa ulo ang biktima ay nagtamo rin ng isa pang tama sa kaliwang braso.

Sa pahayag sa pulisya ng anak biktima na si Renalie, dakong alas-6:40 ng gabi nagpapahinga ang kanyang ama sa isang upuang kawayan nang dumating ang suspek at walang tanong-tanong ay binaril ito ng ilang beses.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Tumakas ang suspek, dala ang baril na ginamit sa pagpaslang.

Narekober ng pulis sa lugar ng krimen ang 10 fired cartridge case para sa caliber .9mm at isang empty shell ng caliber .45 pistols.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang homicide section ng Tiaong Policer upang matukoy ang motibo ng pagpatay at ang pagkakakilanlan ng suspek.