Isa sa mga maituturing na celebrity na may pinakamagandang mukha sa showbiz ang aktres na si Kristine Hermosa na misis ng aktor na si Oyo Sotto. Mula noong dalaga pa siya at ngayong may asawa't mga anak, tila hindi nagbabago ang kaniyang likas na kagandahan. Kaya naman, napapa-sana all na lamang ang mga kapwa celebrity at netizens sa kaniya.

Kagaya na lamang sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 26 kung saan flinex niya ang kaniyang litrato at dalawang quotes tungkol sa pagkakaroon ng edad.

"Aging," aniya sa caption.

Sa dalawang pubmats na ibinahagi niya, mababasa ang quotes na "Wrinkles will only go where the SMILES have been" mula kay Jimmy Buffelt.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang isa naman ay "It's important to have a twinkle in your wrinkle."

Napakomento naman dito ang mga kapwa celebrity dahil tila hindi naman daw makikita sa mukha ni Kristine ang aging.

"Always an inspiration ate tin!!" komento ng aktres na si Erika Padilla.

"Ganda naman. Parang di ko kita ang aging diyan," saad naman ng kapatid niyang si Kathleen Hermosa.

Hindi rin makita ng mga netizen ang sinasabing "aging" ni Kristine sa kaniyang sarili.

"Aging na ba yarn? Ang ganda pa riiiin."

"Still super beautiful tin."

"Timeless beauty!"

"You age gracefully naman Tin!"

"Ganda pa rin naman… wala akong makitang aging."

"Nasa'n ang aging diyan Ms. Tin? Hahaha."