Nais buhayin o maibalik muli ni Leyte Rep. Richard Gomez ang parusang kamatayan sa bansa para sa mga big-time drug trafficker.

Sa isang television interview nitong Linggo, dapat aniyang paigtingin pa ng gobyerno ang kampanya laban sa illegal drugs sa Pilipinas.

“Kung kaya natin na palitan ang batas natin and then gawin natin na death penalty para sa drug traffickers at mga drug pushers, so be it. It has to be that strong,” giit ng kongresista.

Ang problema ngdrugs, hindi ito nadadaan sapakiusapaneh. Hindi mo pwedeng pakiusapan at sabihin mo sa drug pusher, ‘Uy, ‘wag ka na magbenta ngdrugskasi masama talaga ‘yan, nakasisira ng bayan natin.’ ‘Pag ganyan ka magsalita, ikaw mismo babaralin ka ng mga no’n. Kailangan malakas talaga ‘yung pwersa,” pagbibigay-diin ni Gomez.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Aniya, sakaling maibalik ang capital punishment sa bansa, tiyak na maraming ang tututol, katulad ng mgahuman rights group.

Gayunman, sinabi nito na dapat pa ring bigyang katwiran ang epekto ng iligal na droga sa bansa.

Sa datos ngDepartment of the Interior and Local Government (DILG), nakaaresto a ang gobyerno ng 22,646 drug personalities mula nang umupo si Marcos bilang pangulo.

NasaP9.7 bilyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam na sa walang tigil na kampanya ng pulisya laban sa mga sindikato.

Matatandaang inalis ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang parusang kamatayan noongHunyo 24, 2006 dahil sa paniwalang hindi ito solusyon sa lumalalang krimen sa bansa.