Isinugod sa ospital at dinala pa sa emergency room si Optimum Star Claudine Barretto ayon sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Nobyembre 25.

"Haaay ER namiss ako ng ER🥹 NOT COVID PO," caption ni Claudine. Kalakip ng kaniyang IG post ang kaniyang mga litrato kung saan makikitang may hospital tag pa siya. Batay sa lokasyon, siya ay nasa isang sikat na ospital sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

View this post on Instagram

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Hindi naman idinetalye ni Clau kung bakit siya itinakbo sa ospital. Bumuhos naman ng pag-aalala at mensahe ang celebrity friends at netizens, tulad nina Baron Geisler na nakasama niya sa pelikulang "Anak" at si Princess Punzalan na siyang gumanap na "Selina" sa patok nilang soap opera noon na "Mula sa Puso".

Tila namiss na raw siya ng ER dahil ito na ang ilang beses nang isinugod sa ospital si Claudine noon dahil sa iba't ibang dahilan.