Bali-balitang magtatapos na sa Disyembre ang halos kasisimula pa lamang na "Start-Up PH", ang Pinoy adaptation ng hit Korean series na ganoon din ang pamagat, na pinagbibidahan nina Alden Richards, Yasmin Kurdi, Jeric Gonzales, at ang unang teleserye ni Bea Alonzo sa GMA Network matapos ang kaniyang pag-ober da bakod mula sa Kapamilya Network.

Nagsimula ang world premiere at ang pag-ere ng Start-Up PH noong Setyembre at sinasabing magtatapos na umano ito sa Disyembre 23, 2022, na may 65 episodes. Ibig sabihin, naka-isang season ang serye.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. Sa Pilipinas kasi, kapag ang isang show ay mabilis na natapos o "natigbak", nangangahulugang mababa ang TV ratings nito, o hindi masyadong pinag-usapan. At dahil hindi umano masyadong pinag-usapan, hindi ganoon karami ang sponsor o nagpapa-advertise. Kaya sey ng bashers, indikasyon daw ito na mas pinag-usapan pa ang "Maria Clara at Ibarra" na isa sa mga teleserye ngayon ng Kapuso Network at kalinya sa GMA Telebabad, kaysa sa Start-Up PH.

Ngunit sey naman ng mga nagtatanggol sa show, sa orihinal na South Korean drama ay talagang maiksi ito, at hindi umano ugali ng mga Koreano na pahabain at patagalin ang isang serye.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"Hindi siya trending o pinag-usapan. Walang chemistry sina Bea at Alden."

"I’m actually enjoying the show!!! May kilig naman in all fairness! Di lang kasi sanay ang netizens ng Pinas na short term lang ang teleserye, they got used to watching super long series na paikot-ikot na lang until na bago na ang original ending cuz sa mga add-ons na ginawa nila to make the series longer!"

"Pinapanood namin 'to ng asawa ko… dami namin natututunan. 😍 Mas bet namin yung ganito kaysa puro kabit, patayan…"

"Magaling na artista si Bea pero hindi bagay sa kaniya ang role. Mas bagay siya sa matured role hindi pa sweet, nagmukha siyang baduy."

"Ganda kaya ng Start-Up PH gabi-gabi nakaka-excite bawat eksena, kung nanonood kayo ng Koreanovela hanggang 2 to 3 months lang naman ang teleserye nila so paano n'yo sasabihin hindi mabenta."

"Expected naman talaga na mag-eend na 'yan. Mga tao rito, nakita n'yo ba ang original na series niyan??????? 16 episodes lang 'yan sa Netflix try to check it. To enlighten your mindssss!!"

"Pangit na nga ay binago pa nila yung plot. Sa original ay ang role ni Alden ay second lead lamang siya ng main couple tapos dito… ginawa n'yo main couple."

"Lahat naman ng palabas ni Alden ay boring. Guwapo lang pero walang appeal. Sorry 'yan ang totoo para sa akin. Masakit ang katotohanan hehe."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga bumubuo o maging mga artista ng Start-Up PH tungkol dito.