Magbabalik-telebisyon ang patok na “The Voice Kids” sa bansa sa pangunguna pa rin ng ABS-CBN Kapamilya Network.

Sa anunsyo ng network nitong Lunes, aarangkada na ang ikalimang season ng programa eksaktong isang dekada matapos unang mapanuod ang franchise ng global competition sa bansa.

Ilang audition dates naman ngayong Nobyembre at Disyembre ang inilatag na para sa mga aspiring vocal talents na edad 6 hanggang 12 taong-gulang.

Magsisimula ang audition sa Starmall SJDM Bulacan sa darating na Nob. 6, susundan ito sa Starmall EDSA Shaw sa darating na Nob. 26.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa Disyembre, magpapatuloy ang talent hunting sa Vista Mall Dasmarinas sa Dis. 3, Vista Mall Bataan sa Dis. 4, Vista Mall Tanza sa Dis. 10 at Vista Mall Taguig sa Dis. 11.

Hihingan naman ng vaccination IDs ang batang hopefuls na kailangang maghanda ng tig-iisang Tagalog at English songs sa audition proper.

Mula nang nang maipalabas sa ABS-CBN noong 2013, ang The Voice ay naging daan sa mga maningning na talents ng kasalukuyang henerasyon.

Kabilang sa kilalang champion at alumni ng kompetisyon sina Lyca Gairanod, Elha Nympha, Darren Espanto, Juan Karlos Labajo, Zack Tabudlo bukod sa maraming iba pa.

Samantala, wala pang kumpirmasyon sa ngayon kung sino-sino ang magsisilbing coaches para sa bagong season.