Inihatid na sa huling hantungan ang isang guro ng Payatas B Elementary School sa Quezon City na nasawi matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang school bus saOrani, Bataan nitong Nobyembre 5.

Nitong Lunes ng umaga, dinagsa ng mga kamag-anak, kaibigan at kasamahan sa trabaho ang libing ni Janice Pontillas sa Forest Lawn Memorial Park sa Rodriguez, Rizal.

Sa huling sulyap ni Allan Pontillas sa kanyang asawa, nangako ito na hindi niya pababayaan ang mga pamangking dati niyang sinusuportahan.

Nagpasalamat naman si Allan sa mga nakidalamhati sa kanyang pamilya.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Matatandaang pauwi na sana sa Quezon City ang grupo ng mga guro, kabilang si Pontillas, nang mahulog sa bangin sa Barangay Tala, Orani, ang sinasakyan nilang bus na service ng Department of Education (DepEd) matapos umanong mawalan ng preno.

Si Pontillas lang ang namatay sa aksidente na ikinasugat ng 46 kasamahang guro.