Simula sa Lunes, Nobyembre 14, ipatutupad ang pinalawig na operating hours ng mga shopping mall sa Metro Manila upang maibasan ang matinding trapiko ngayong Christmas season.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bukas na ang mga mall pagsapit ng 11:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi.
Nilinaw ng MMDA na nakipagpulong sila sa mga kinatawan ng mga mall sa National Capital Region kung saan napagkasunduan ang ipatutupad na bagong mall hours.
Katwiran ng MMDA, aabot sa 400,000 sasakyan ang dumadaan sa EDSA araw-araw at inaasahang madadagdagan pa ito ng 40,000 dahil na rin sa Kapaskuhan.
Sinabi pa ng ahensya na ito lang ang nakikita nilang hakbang upang lumawag ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.