Inilabas na ng Forbes sa kanilang “40th annual World’s Billionaires list” ang mga pangalan ng mga pinakamayayamang Pilipino sa bansa ngayong 2026.
Base sa impormasyong inilatag ng Forbes, tila pamilyar at prominente na ang mga nagsilitaw na pangalan sa nasabing listahan.
1. Enrique Razon Jr. - $16.5 bilyon (World No.175)
2. Ramon Ang - $3.6 bilyon (World No. 1189)
3. Lucio Tan - $3.5 bilyon (World No. 1223)
4. Manny Villar - $3.1 bilyon (World No. 1376)
5. Henry Sy, Jr. - $2.5 bilyon (World No. 1676)
6. Hans Sy - $1.8 bilyon (World No. 2274)
7. Herbert Sy - $1.8 bilyon (World No. 2274)
8. Harley Sy - $1.7 bilyon (World No. 2386)
9. Andrew Tan - $1.7 bilyon (World No. 2386)
10. Lucio Co - $1.6 bilyon (World No. 2481)
Mababasa rin sa ulat ng Forbes na mula sa Amerika makikita ang pinakamaraming bilyonaryo sa mundo, na aabot sa 989.
Sinundan naman ito ng China na may 610, at India na may 229.