April 13, 2026

Home BALITA National

NBI, tukoy na retiradong heneral na nag-recruit sa 103 ex-bodyguards ni Zaldy Co!

NBI, tukoy na retiradong heneral na nag-recruit sa 103 ex-bodyguards ni Zaldy Co!
Photo courtesy: File Photo

Ibinahagi ng National Bureau of Investigation (NBI) na napag-alaman umano nilang may isang retiradong heneral ang nag-recruit sa 103 na dating mga bodyguard ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co. 

Ayon sa naging pahayag ni NBI Director Melvin Matibag nitong Miyerkules, Marso 11, 2026, sinabi niyang kasama na rin umano rito ang lumitaw na 18 ex-marines. 

KAUGNAY NA BALITA: '100 daw 'yan eh!' Bilang ng 18 ex-marines, mas marami dapat pero naudlot lang?—NBI Director

“Although, inamin ni Atty. Baligod [na] 103 assigned na bodyguard kay Zaldy Co,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Meron pong retired general na nag-recruit sa kanila. Identified na rin po namin… ‘Yong 103, ni-recruit no’ng retired general na ito.” 

National

Palasyo sa nambabatikos kay PBBM: ‘Puro tayo pintas, pero walang nagagawang solusyon!’

Ani Matibag, napag-alaman umano nilang dapat sanang may dalawang taon kontrata ng trabaho ang umano’y 103 bodyguards ni Co ngunit tila naudlot ito dahil sa pag-alis ng mambabatas sa bansa. 

“Meron po kasing mga istoryang lumalabas na they are supposed to be employed in the period of two years pero naputol nga dahil wala na nga si Zaldy Co,” aniya. 

Pagpapatuloy ni Matibag, hindi na raw nakuha ng dating 103 bodyguards ni Co at ng hindi niya pinangalanang retired general ang suweldo sana ng mga ito at tuluyang nawalan ng trabaho. 

“These bodyguards, including ‘yong mga retired marines ay hindi na po nakakuha ng sahod nila at nawalan ng trabaho,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, pinili namang hindi na ibahagi sa publiko ni Matibag ang pagkakakilanlan ng retiradong heneral ngunit nilinaw niyang nabibilang ito sa Class 1975 ng Philippine Military Academy (PMA). 

KAUGNAY NA BALITA: NBI, naglabas ng subpoena laban sa 18 ex-marines!