April 22, 2026

Home BALITA

'100 daw 'yan eh!' Bilang ng 18 ex-marines, mas marami dapat pero naudlot lang?—NBI Director

'100 daw 'yan eh!' Bilang ng 18 ex-marines, mas marami dapat pero naudlot lang?—NBI Director

Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang mga nakalap na raw nilang mga reports hinggil sa naging kontrobersyal na paglitaw ng 18 ex-marines.

Sa panayam ng media kay Matibag noong Biyernes, Marso 6, 2026 na tinatayang nasa 100 katao raw dapat ang bilang ng mga sundalong lalantad katulad ng ginawa ng 18 ex-marines.

“Kasi may mga reports sa amin, ito palang 18 marines apparently parang next week they are trying to schedule another presscon may bago pang isasama na Marines. There are reports na mas marami pa pala yung kausap diyan eh…,” ani Matibag.

Paglilinaw pa niya, “Mga 100 daw 'yan eh. Pero hindi lahat pumayag.”

Saad pa ni Matibag, tila alam na rin daw nila ang magiging kasunod magmula nang lumantad ang 18 Marines.

National

Sen. Kiko, nirerespeto desisyon ni Mayor Leni pero pinakamalakas na pambato pa rin sa 2028!

“May reports kasi sa amin eh, nagtutugma na. 'yan yung unang lalabas, tapos eventually may mga retired generals na lalabas.”

Iginiit din niyang patuloy nilang bineberipika ang mga reports na nakakalap ng kanilang ahensya.

“We will validate all the reports sa amin, and those are the reports. And I want to be very transparent,” aniya.

Matatandaang noong Pebrero 24 nang lumantad ang 18 marines na kabilang umano sa mga kasamahan retired Marine TSgt. Orly Guteza bilang security personnel noon ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

KAUGNAY NA BALITA: Dating mga kasamahan umano ni Orly Guteza sa pagdadala ng male-maletang pera, lumantad!

Habang noong Biyernes din, Marso 6 nang tuliyan nang naglabas ng subpoena ang NBI laban sa 18 Marines.

KAUGNAY NA BALITA: NBI, naglabas ng subpoena laban sa 18 ex-marines!