Nahusayan ang talent manager na si Ogie Diaz sa Kapuso star na si Andrea Torres sa natatanging pagganap nito bilang si "Sisa" sa teleseryeng "Maria Clara at Ibarra."

Sa isang tweet nitong Huwebes, Nobyembre 3, sinabi ni Ogie na mahusay at consistent ang pag-arte ni Andrea sa isang scene na kung saan hinahanap ni Sisa ang mga anak niyang sina Crispin at Basilio.

"Mahusay si @andreaetorres in fairness. Consistent! 👏👏👏" sey niya. 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

https://twitter.com/ogiediaz/status/1587864748888322048

Matatandaang nag-trending kamakailan si Andrea dahil sa kaniyang pagganap bilang Sisa.

Sa isang latest tweet ni Andres nito ring Huwebes, Nobyembre 3, sinabi niyang nakikita at nababasa niya ang mga positibong komento tungkol sa kaniyang pagganap bilang si Sisa. 

“Gusto ko lang malaman niyo na nakikita at nababasa ko ang mga posts niyo❤️Sobrang laking bagay hay kung alam niyo lang gano!” sey niya.

“Ang katotohanan niyan ako rin pinapaiyak niyo. Hehe. Di ako magsasawang magpasalamat😊Patuloy po natin sundan ang kwento. Napakarami pong aabangan🤗” dagdag pa ng aktres.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/04/andrea-torres-sa-mga-humanga-sa-kanya-bilang-sisa-ang-katotohanan-niyan-ako-rin-pinapaiyak-niyo/