Finally! Engaged na ang YouTube content creators na sina Cong TV at Viy Cortez matapos ang pitong taon na magkarelasyon. 

Nangyari ang proposal ni Cong TV matapos ang baptism ceremony ng panganay nilang anak na si Kidlat noong Oktubre 27. 

Idinetalye ni Cong ang paghahanda sa nasabing proposal sa isang vlog na inupload niya nitong Huwebes, Nobyembre 3. 

Habang kumakain ang pamilya at iba pang mga bisita, nagpalaro ang Team Payaman member na si Boss Keng na may pa-premyong P50,000.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang mechanics ng game ay bawal tumawa bukod dito ipinalabas ni Keng ang cellphone ng mga bisita na dapat naka-video mode at naka-front camera.

Maya-maya, pagkasabi ni Keng ng "tira" ay biglang lumabas si Cong na may hawak na mikropono at lumapit kay Viy.

"Love, will you marry me?" agad na sabi nito na ikinagulat ng lahat.

"Nagtatanong ka sa akin nung nakaraan kung ano yung regalo na gusto ko sabi ko sa'yo wala. Pero sa totoo lang ito talaga yung nasa isip ko matagal na panahon na. Naghahanap lang ako ng tiyempo, iniisip ko kung paano pero sabi ko bahala na," sey ni Cong.

"Kaya ngayon pinapunta ko sina tito at tita [mga magulang ni Viy] ito yung pinaka magandang regalong ibibigay mo sa akin ngayong birthday ko. Love, uulitin ko yung tanong. Will you marry me?"dagdag pa niya.

Isang matamis na "yes" ang nakuha ng YouTube vlogger. 

"Worth the wait!" biro naman ni Viy.

Congratulations, Cong TV and Viy!