Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na naging mapayapa ang pangkalahatang paggunita ng Undas.

"Naging maayos at mapayapa naman po sa pangkalahatan ang naging observance po ng Undas ngayong taon po," paliwanag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo nang kapanayamin sa telebisyon nitong Miyerkules.

Aniya, ito ang unang pagkakataongnakadalawsa mga namayapang mahal sa buhay ang mga Pinoy dahil sarado ang mga sementeryo noong nakaraang dalawang taon dulot ng pandemya ng coronavirus disease 2019.

Binanggit ni Fajardo, walang naitalang insidente ng krimen sa mga malalaking sementeryo sa bansa.

Probinsya

5-anyos na batang babaeng hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa isang tubuhan

Sa kabila nito, patuloy pa aniya ang kanilang pagbabantay sa mga sementeryo Araw ng mga Kaluluwa upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

"Inaasahan pa rin po natin hanggang ngayon po (Nobyembre 2), may mangilan-ngilan pa rin po tayong mga kababayan na hahabol pa rin po sa Undas," sabi pa ni Fajardo.