Sasampahan na ng kaso ang nasa likod ng pagpatay kay Percival "Percy Lapid" Mabasa.

Ito ang isinapubliko ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes at sinabing "very satisfactory" ang resulta ng imbestigasyon sa kaso.

"Very satisfactory. I think we made a lot of progress. I think that we can…the proper cases can be filed by the end of next week hopefully,” sabi ni Remulla.

“It’s very possible, it’s very possible. We have to evaluate everything. Basta ako I’m just guiding the investigation, I’m guiding it through to make sure it carries on,” paliwanag ni Remulla nang tanungin ng mga mamamahayag kung natukoy na ang mastermind sa pamamaslang.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Sa joint investigation ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation, apat na preso ag nakunan ng testimonya at nakatakda pang isailalim sa imbestigasyon ang ikalimang inmate.

Ang limang preso aniya ay kabilang sa persons of intertest sa pagkakapaslang kay Mabasa at sa pagkamatay ng umano'y "middleman" na si Crisanto o Jun Villamor. 

Si Villamor ang binabanggit ni self-confessed gunman Joel Escorial na nag-utos sa kanila na paslangin si Mabasa.

Matatandaang pinagbabaril si Mabasa sa loob ng kanyang kotse sa labas ng BF Resort Village, Las Piñas nitong Oktubre 3 ng gabi.