Nag-aalburoto pa rin ang Taal Volcano sa Batangas nitong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs, naitala nila ang 19 na phreatomagmatic burstssimula 8:50 ng umaga hanggang 1:30 ng hapon.
"Many of the bursts were obscured by ongoing upwelling of hot volcanic gas in the Main Crater Lake, while all events did not generate detectable signals in the seismic and infrasound records," ayon sa ahensya.
Nilinaw ng Phivolcs na nagkakaroon ng phreatomagmatic burst kapag naghalo ang magma at groundwater sa crater ng bulkan.
Sa kabila nito, ipinaiiral pa rin ang Level 1 na alert status ng bulkan na nangangahulugang patuloy pa rin sa pag-aalburoto nito.
Nagbabala rin ang ahensya na posibleng itaas sa level 2 ang alert status nito sakaling lumala pa ang sitwasyon."At Alert Level 1, sudden steam-driven or phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within the Taal Volcano Island," babalal pa ng Phivolcs.
Sa rekord ng Phivolcs, huling pumutok ang bulkan noong Enero 12, 2020 kung saan nagbuga ito ng makapal na abona umabot pa sa Metro Manila at sa mga karatig-lugar.