Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) ang napipintong pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa ngayong Christmas season.

Sinabi ng DTI, aabot sa 14 na manufacturer ang inaasahang magdadagdag ng presyo sa kanilang produkto.

Dahil dito, nakatakda nang maglabas ng suggested retail price (SRP) ang DTI para sa mga pangunahing bilihin.

Kabilang sa mga produktong posibleng magtaas ng presyo ang canned goods, kape at sabon, ayon kay DTI-Consumer Protection and Advocacy Bureau chief Marcus Valdez II.

National

'Pinas, dapat nang bumalik sa hurisdiksyon ng ICC – Rep. Luistro

Maglalabas din ng price guide ang DTI para sa mga Noche Buena product.

Sa kabila nito, kumpiyansa pa rin ang isang grupo ng mga supermarket na dadagsa pa rin ang mga mamimili, lalo kapag malapit na ang Pasko.