Umaapela sa gobyerno ang mga transport group na bigyan pa sila ng karagdagang ayuda sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

“Ang isa pa naming kahilingan sa Kalihim kung magkakaroon kami ng pagpupulong 'yung fuel subsidy baka meron pang natitirang budget ang Department of Transportation (DOTr)…hanggang December,” sabi ni Pasang Masda president Obet Martin sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules.

Kinuwestiyon din ni Martin ang DOTr dahil sa pagpapalawig nito sa programang "Libreng Sakay" dahil sa pagkabigo nitong magbigay ng karagdagang ayuda sa mgajeepney driver.

“Ang mga karaingan po ng aking mga kasamahan, bakit meron pang free rides na ipinagkaloob ang DOTr hanggang December itong mga Bus Carousel na ito sa EDSA. Ang magiging katanungan po dyan, sila lang ba ang anak ng Diyos, 'yung mga pasahero na yan,” aniya.

National

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Davao Oriental

Nitong Martes ay naghain ng petisyon saLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga transport group na humihiling na payagan ang mga jeepney at bus operator na maningil ng dagdag na P1.00 o P2.00 sa pasahe kapag rush hour.

Idinahilan nila, hindi sapat ang ipinatupad na dagdag-pasahe kamakailan dahil sa patuloy na pagtaas ng petroleum products.

Nauna nang inihayag ng LTFRB na magsasagawa sila ng pagdinig upang maresolba ang usapin.