Sey ni Manay Lolit Solis na handa raw siyang tulungan ni Atty. Ferdinand "Ferdie" Topacio laban sa nambibintang umano sa kaniya na isa siyang "bully."

Sa isang Instagram post nitong Lunes, Oktubre 17, sinabi ni Lolit na na-touch siya kay Topacio dahil tinanong umano siya nito kung ano ang kaniyang maitutulong.

"Na touch naman ako kay atty Ferdie Topacio Salve. Nag text siya para itanong kung ano puwede itulong. Kasi nga at my age at condition binibintang parin na isa akong BULLY. Ako bully ? Kaloka naman," sey niya.

"Puwede bang i bully ang mga high and mighty na tulad nila Shirley Kuan at Dolor Guevarra. English at British accent si Shirley Kuan, ibu bully ng jologs na si Lolita ? Wow naman. Parang hindi ko maisip na iisipin ng mga tulad nila Shirley at Dolor na bully ako," dagdag pa niya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Ayon pa kay Lolit, love raw niya si Topacio at ang showbiz columnist na si Cristy Fermin dahil to the rescue raw ang mga ito sa kaniya.

"Salamat atty Ferdie Topacio, kaya love kayo ni Cristy Fermin dahil to the rescue agad kayo. Talagang friend kayo ng showbiz. Hayaan nyo, basta inapi nila ako, tawagan ko kayo agad. At sure ako, hindi na nila ako ibu bully dahil nandiyan kayo.

"Kaloka sila ha, inaapi nila ako porke maysakit at hindi ko naintindihan English ni Shirley. Baka consult a lawyer pa lang si Shirley, nandiyan na si atty Ferdie Topacio at naka file na ang case. Alam mo na, fast worker at very professional si atty Ferdie. Hay naku, takot ako talaga, bully nila ako Salve at Gorgy. Tago na ako sa Ukraine, huh huh huh."