Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na hindi na mahihirapan ang mga botante sa ilulunsad nilang "Register Anywhere" scheme.
“Plano po natin na isama na rin po 'yan, lahat po ng mga aspeto ng registration ay isasama na po natin. Hindi lang po dapat na register anywhere, kung hindi 'yung transfer of registration anywhere, reactivation of registration anywhere,” banggit ni Comelec Chairman George Garcia nitong Biyernes.
“Kung nasaan po kayo located, kahit hindi kayo doon nakatira pero nandoon kayo sa pagkakataong 'yan sa area na 'yan, tapos may registration, puwede na po kayong magparehistro doon,” paglalahad ni Garcia.
Sa ngayon aniya, wala pa silang nakikitang balakid sa nakatakdang paglulunsad ng programa.
“Dati po kasi, alam niyo may mga legal considerations kasi, meron po kasi tayong umiiral na batas, 'yung tinatawag na Republic Act 8189, Continuing Registration Law. Kinakailangan kasi, 'yung mismong pagpaparehistro ay gagawin sa opisina ng local Comelec, at the same time sabi may kinakailangan, may mga observers mula sa political parties o kung sino mang interesado na magkuwestiyon doon sa pagpaparehistro ng ating mga botante," aniya.
Gayunman, dadaan pa rin aniya sa election registration board hearing ang pag-apruba sa mganagprehistrosa ilalim ng nabanggit na sistema.