Sususpendihin na muna ang pagmimina at pagku-quarry sa Bulacan kasunod ng pagkamatay ng limang rescuer at isang sibilyan sa kasagsagan ng Super Typhoon 'Karding' kamakailan.

Ito ang tiniyak ni Bulacan Governor Daniel Fernando nang dumalo sa funeral service ng mga rescuers sa Malolos nitong Biyernes.

Aniya, maglalabas ito ng executive order upang tuluyan nang masuspindi ang pagmimina at quarrying activities sa lalawigan.

“Panahon na upang pangalagaan at isalba ang ating kalikasan. That’s why by means of an executive order hindi na po tayo magpapa-quarrying at magpapa-mining ngayon,” banggit ni Fernando nang kapanayamin sa teebisyon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“Sa ating lalawigan, hindi ko po papayagan… Kung sira ang Sierra Madre, malamang pumasok ng todo ang bagyo sa Bulacan,” anito.

Kaugnay nito, nasa₱3 bilyon na ang napinsala sa sektor ng agrikultura sa lalawigan.

Binanggit ng opisyal na kabilang sa tinamaan ng matinding bagyo angSan Miguel, San Rafael, San Ildefonso at Doña Remedios Trinidad,

“May matitigas pa rin ang ulo. Kumita lang ng pera kahit wasakin ang inang kalikasan… Huwag natin hayaang maraming buhay pa ang mawala bago tayo magising, bago tayo matuto, bago tayo kumilos,” banggit pa ng gobernador.

Matatandaang limang rescuer ang binawian ng buhay matapos umanong tangayin ng baha nang tangkain nilang sagipin ang mga residente sa San Miguel sa kasagsagan ng bagyo nitong kamakailan.

Isa ring sibilyan ang naiulat na binawian ng buhay sa nasabing bayan dulot ng bagyo.