Natimbog ng mga tauhan ng anti-scalawag unit ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) dahil umano sa pangongotong sa isang residente pinaghihinalaang sangkot sa iligal na sugal sa Balayan, Batangas nitong Huwebes ng hapon.

Nakapiit na sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) headquarters sa Camp Crame ang pulis na si Maj. Ruben Marilag, nakatalaga sa Balayan Municipal Police Office sa nasabing lalawigan.

Sa pahayag ni IMEG chief, Brig. Gen. Warren de Leon, inaresto ng mga pulis si Marilag sa harap ng isang bangko na malapit din sa kanilang presinto sa ikinasang entrapment operation dakong 5:00 ng hapon.

"The operation stemmed from a complaint lodged against him for coercing and intimidating the complainant/victim into paying a weekly payola for the victim’s 'loteng' operation. Accordingly, the said 'loteng' operation had already been stopped since March of 2021 when the victim was diagnosed with stage three colon cancer. Despite this, the suspect insists that the victim must pay for his weekly payola amounting to ₱2,000," pahayag ni de Leon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Narekober ng ng pulisya ang marked money, service firearm ni Marilag na may 14 na bala, isang cellular phone, pitaka na mayroong laman na cash at identification (ID) card ng PNP.

Nahaharap na sa kasong extortion at reklamong administratibo si Marilag.

PNA