Isa na namang low pressure area (LPA) ang namataan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) nitong Miyerkules, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa abiso ng PAGASA, ang nasabing ay huling natukoy 1,015 kilometro silangan ng Central Luzon..

"Itong LPA na ating mino-monitor ay kumikilos pasilangan o palayo nga sa ating area of responsibility kaya wala po itong direktang epekto sa anumang bahagi ng ating bansa," pahayag ni weather forecaster Anna Clauren Jorda sa panayam sa telebisyon.

Aniya, naaapektuhan pa rin ng southwest monsoon o habagat ang Central at SouthernLuzon.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Posible rin aniyang makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Metro Manila, Bataan, Zambales, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro at Northern Palawan, kabilang na ang Cuyo Islands bunsod na rin ng habagat.

Babala pa ng ahensya, posibleng magkaroon ng flash flood at landslide sa mga natukoy na lugar.