Nasa 467 pang kaso ng Omicron subvariant sa bansa ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.
Natukoy ang mga bagong kaso nito batay na rin sa huling resulta ng sequencing mula Setyembre 5-7.
Sinabi ng DOH na kabilang sa mga nasabing kaso ang natukoy na 425 na BA.5 Omicron subvariant.
Aabot sa 214 ang naitala sa Western Visayas, 146 sa Davao Region, 21 sa Soccsksargen, 19 sa Calabarzon, siyam sa Metro Manila, pito sa Central Visayas, lima sa Central Luzon, dalawa sa Northern Mindanao at tihg-isa sa BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) at Caraga.
Samu rin na bagong kaso ng BA.4 ang natukoy sa Central Visayas, Soccsksargen at Northern Mindanao.
Natuklasan namang nagpositibo sa BA.2.75 variant ang isang indibidwal na taga-Davao Region.
Noong nakaraang Marso, ibinilang ng World Health Organization (WHO) sa kanilang monitoring list ang BA.4 at BA.5 na tinawag namang variants of concern ngEuropean Center for Disease Prevention and Control.