Kabilang ang aktor, TV host, at army reservist na si Matteo Guidicelli sa Presidential Security Group (PSG) training program na magbibigay-proteksyon para kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at sa kaniyang pamilya.

Kabilang ang mister ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa Class 129 ng Very Important Person Protection Course (VIPPC) ng PSG, kung saan nagsimula na ang training noong Agosto 25 sa Malacaňang Park sa Maynila, ayon sa ulat ng Philippine News Agency.

Nagbahagi rin ng snapshots ng training ang PSG sa kanilang opisyal na Facebook page.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Makikita sa mga litrato na kabilang nga si Matteo sa mga nagsasanay.

Sa kaniyang Instagram story ay ibinahagi ni Matteo ang ilan sa mga litrato niya sa training.

"Ready for class," caption niya sa unang litrato kasama ang dalawang kasamahan, na isang lalaki at isang babae.

Sa isa pang IG story, ibinahagi niya ang litrato ng bandila ng PIlipinas na nasa tagdan.