Naiulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 889 kaso ng Omicron BA.5 subvariant ng coronavirus disease 2019.
Sa pahayag ng DOH, 886 sa nasabing bilang ay naitala sa lahat ng rehiyon sa bansa habang ang tatlong iba pa ay natukoy sa tatlong returning overseas Filipino.
Sa naturang bilang, 886 ang naitalang timaan ng virus sa Western Visayas, National Capital Region (NCR), Central Luzon, Cordillera Administrative Region (CAR), Bicol Region, Calabarzon, Central Visayas, Ilocos Region, Cagayan Valley, Mimaropa, Soccsksargen, Zamboanga Peninsula, CARAGA, at dalawa sa Davao Region.
Nasa 16 namang karagdagang BA.4 cases ang niatala sa Soccsksargen, Ilocos Region, Bicol Region, Central Visayas at NCR, at tig-isa sa Central Luzon, Western Visayas, Calabarzon, at CAR.
Dalawa ring kaso ng BA.2.12.1 ang naitala, at dalawa ring kaso ng BA.2.75.
Apat ding kaso ng BA.2.12.1 ang naitala sa Cagayan Valley, Zamboanga Peninsula, Calabarzon at Mimaropa.