Patay ang isang rider at kanyang angkas nang bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na behikulo sa Tanay, Rizal nitong Linggo ng madaling araw.

Naisugod pa sa Tanay General Hospital ang mga biktimang sina Jonvy Balora at Angeline Evangelista ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

Samantala, nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek na si Genesis Domasig.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-3:10 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nauna rito, minamaneho ni Balora ang isang itim at pulang Euro 150 na motorsiklo, angkas si Evangelista, nang habang binabagtas ang Sagpat Pililia Diversion Road sa Brgy. Tandang Kutyo, ay nag-overtake sila sa nauunang behikulo.

Dito na nila nakabanggaan ang kasalubong na isang kulay gray at silver na Utility Vehicle Wagon na may plate number na NIW-815, na minamaneho ni Domasig, na patungo namang Baras, Rizal.

Sa tindi ng impact ng aksidente ay tumilapon ang mga biktima at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan na nagresulta ng kanilang agarang kamatayan.