DASMARIÑAS CITY, Cavite -- Patay ang isang security officer matapos masagasaan ng isang sports utility vehicle (SUV) noong Lunes, Agosto 22.

Kinilala ng Dasmariñas City Police Station (CPS) ang biktima na si Rodolfo T. Mejos, 52, security officer ng isang golf and country club.

Naiulat na nagta-trapiko si Mejos nang mabangga siya ng humaharurot na SUV.

Agad dinala ang biktima sa Dasmariñas City Medical Center ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Samantala, arestado ang SUV driver at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. 

Carla Bauto Deña