Walang baby bump na nasilayan sa tiyan ng kontrobersyal na aktres na si AJ Raval, sa unang pagkakataon mula nang maibalita at ma-tsismis na buntis siya, at ang itinuturong ama ay ang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Present si AJ sa premiere night at media conference ng bago niyang pelikulang "Sitio Diablo" kahapon ng Miyerkules, Agosto 24, na mapapanood naman sa Vivamax sa darating na Agosto 26.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bukod kay AJ, dumalo rin dito ang mga kasamahan sa cast na sina Kiko Estrada, Benz Sangalang, Because, kuyang si Ace Raval, Pio Balbuena, Karl Aquino, Massimo Scofield, at ang direktor nilang si Roman Perez Jr.

Nausisa umano si AJ kung ano ang masasabi niya sa isplukey ni Cristy Fermin tungkol umano sa pagbubuntis niya.

“Bahala na sila kung ano ang paniniwalaan nila, kasi the more you explain or defend yourself, lalo ka nilang aatakihin," matapang na kuda naman ng sexy actress.

Matatandaang pinanindigan ni Cristy ang kaniyang sinabing ayon umano sa kaniyang impormante, ay kumpirmadong buntis si AJ. Hinamon pa niya ang aktres na kung hindi totoong buntis ito, magpa-interview ito nang live.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/19/aj-raval-buntis-na-raw-ispluk-ni-cristy-fermin/">https://balita.net.ph/2022/07/19/aj-raval-buntis-na-raw-ispluk-ni-cristy-fermin/

Mariin naman itong pinabulaanan ng aktres, at kung nagpositibo man siya sa isang test, ito raw ay sa antigen test para sa Covid.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/21/aj-raval-nagpositibo-sa-covid-19-hindi-sa-pregnancy-test/">https://balita.net.ph/2022/07/21/aj-raval-nagpositibo-sa-covid-19-hindi-sa-pregnancy-test/

Sa naging TikTok video naman ng mismong ina ni AJ Raval, ipinakita niya ang flat tummy ng anak habang naglalakad ito sa isang mall.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/25/nanay-ni-aj-raval-pasimpleng-sinopla-ang-netizen-na-nagsabing-may-baby-bump-raw-ang-anak/">https://balita.net.ph/2022/07/25/nanay-ni-aj-raval-pasimpleng-sinopla-ang-netizen-na-nagsabing-may-baby-bump-raw-ang-anak/