Magreretiro na nga ba sa kaniyang singing career ang tinaguriang “The Voice” na si Jed Madela?

Ito ang tila pahiwatig ng singer sa kaniyang Facebook post nitong Martes, matapos ibahagi ng singer ang isang panaginip.

“Dreamt that I was sitting in one corner and was dressed and ready to perform. But everyone just ignored me and were busy with something else…until the event ended. Then they switched off the lights and left. I was left alone,” mababasa sa Facebook post ni Jed na napaluha na lang daw ng magising matapos ang naturang panaginip.

Tanong pa niya, “Must be a sign?”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bago nito, isang larawan ng Mall of Asia (MOA) ang ibinahagi ng singer sa isang Facebook post nitong Lunes, ukol sa isa sa ultimate goals ng kahit sinong artists sa bansa.

“Kelan kaya ako makapag-solo concert dito??” tanong ni Jed kalakip ang hashtag na “#BakoAkoMapagod” sa parehong post.

Dahil sa tila nanglulumong mga pahayag ng singer, todo naman sa pag-cheer ng kaniyang followers at mga kaibigan.

“They say your dream is the opposite of what will happen in reality. Hugs, Jed!❤️” komento ng isang fan sa naging panaginip ng singer.

“The reverse will happen my friend… we will always be here for you!!!” saad naman ng talenr manager na si Noel Ferrer.

“That dream is a reflection of your worries and fears. The good news is you can change it in your reality and you are empowered to produce your own shows and sing in the way that only you can🎉We are rooting for you Jed!💖” segunda ng isa pang follower.

“That was your deep-seated fear. But you have nothing to fear. You are already a music icon in the Philippines. Set your fear aside and just enjoy each and every show!”

“It means that you are going to rock the house!”

Kasalukuyang napapanuod si Jed bilang hurado sa segment na “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” at sa musical variety show na “Asap Natin ‘To.”

Maliban sa pagkanta, si Jed ay isa ring toy collector at producer.

Nakilala ang singer matapos ang kaniyang historic win sa 2005 World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood California kung saan itinanghal siya bilang kauna-unahang Pinoy na nag-uwi ng titulong “Grand Champion Performer of the World.”