Nagsilbing tribute para sa tinaguriang "real-life Darna" na si Angel Locsin ang ginawang "rusical show" ni "Ultimate Multidogshow superstar" AC Soriano, sa pamamagitan ng pagtatampok sa iba't ibang mga naging markadong role ni Angel sa mga teleserye, mula noong nasa GMA Network pa siya at lumipat sa ABS-CBN.

Sa kaniyang Instagram Live na pinamagatang "Angel Locsin: The Unauthorized Rusical", muli niyang binuhay ang karakter ni "Alwina" (Mulawin), "Lyka Raymundo" (Lobo), "Monica Santiago" (The Legal Wife), at ang iconic superhero na si Narda (Darna).

"Angel Locsin the unauthorized rusical memz," saad ni AC sa kaniyang caption.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Si AC ay sumikat nang gumawa siya ng remix naman sa hit teleseryeng "The Broken Marriage Vow" kung saan sumikat ang linyahang "Papunta pa lang tayo sa exciting part". Sinuportahan naman mismo ng lead star nitong si Jodi Sta. Maria ang kaniyang musical show.

Hindi naman tiyak kung nakapanood si Angel sa rusical show ni AC.