Isasabak ng TNT Tropang Giga si dating Houston Rockets player Cameron Oliver bilang import nito sa PBA Commissioner's Cup sa Oktubre.

Ito ang kinumpirma ni Tropang Giga head coach Chot Reyes sa isang interview sa telebisyon nitong Sabado.

Bukod sa Houston Rockets, naglaro rin ang 6'8" na si Oliver sa Atlanta Hawks noong nakaraang taon kung saan siya napakinabangan nang husto.

Naglaro rin ito sa CQUniversity Taipans sa 2019-2020 season.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Kinuha rin siya sa Spanish League noong Pebrero at naglaro sa Unicaja Malaga.

Nakatakdang magsimula ang PBA Commissioner's Cup sa Oktubre 2, 2022.