Libu-libo pang sako ng imported na asukal ang nadiskubre sa apat na bodega sa Bulacan, ayon sa pahayag ngMalacañangnitong Sabado.

Nasa 60,000 sakong asukal ang nadatnan ng mga awtoridad sa apat na bodega sa Guiguinto nitong Sabado.Inangkat sa Thailand ang nasabing produkto

“At least two of the warehouses were half-full while one warehouse have sacks of sugar neatly stacked up to the roof,” sabi ngMalacañang.

Sa paunang imbestigasyon, idiniliber sa Guiguinto ang kargamento na galing ngManila International Container Terminal (MICT) nitong Biyernes.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“The huge volume of sugar discovered by authorities in the various inspected warehouses in Luzon has led Malacanang to conclude that the sugar shortage is artificial, brought about by the hoarding of sugar traders who want to rake-in huge profits from the sudden spike in sugar prices,” sabi pa ngMalacañang.

Nitong Biyernes, naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang umano'y pulist na 7,000 metriko toneladang asukal sa Subic, Zambales, bukod pa ang nabistong bodega nito sa San Jose del Monte City sa Bulacan.