Nagsagawa ang Pasay City government ng libreng developmental screening para sa mga bata sa Pasay City General Hospital (PCGH) outpatient department, Biyernes.
Sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na ginagawa ang screening para matukoy ang development ng isang bata.
Sinabi niya na dapat magkaroon ng kamalayan ang mga magulang sa kahalagahan ng pagtukoy kung paano umuunlad ang attitude ng isang bata.
Ipinaliwanag ng alkalde na maaaring matukoy ng mga health professional ang paglaki ng bata sa pamamagitan ng brief test na ibinibigay sa mga magulang tungkol sa bata.
Sinabi ni Rubiano na napakahalaga para sa mga bata na masuri ng health professionals upang makita kung nagpapakita sila ng kahirapan sa wika, paggalaw, pag-uugali sa pag-iisip, at sa pagpapahayag ng mga emosyon.
Para gumaan aniya ang mood ng mga batang dinala sa PCGH para sa developmental screening, binigyan sila ng mga simpleng meryenda at laruan.
Jean Fernando