Nasa 143 na residente ang tinamaan ng diarrhea outbreak, karamihan ay isinugod sa ospital, sa Barangay Napungas, Asuncion sa Davao del Norte.

“No casualty was recorded and most of the victims are adults,” pahayag ni Barangay Napungas chairman Mariolito Maneja.

Nitong Miyerkules, pitong residente sa nabanggit na bilang ang na-admit sa kanilang barangay health center, anim naman ang dinala sa district hospital, 59 ang nananatili sa kani-kanilang bahay at 54 ang nakarekober.

Binanggit ni Maneja na nagsimula ang pagtama ng diarrhea nitong Agosto 10.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Aniya, 30 porsyento ng naapektuhan ng kaso ay mga bata.

Sa confirmatory test ng Provincial Health Office nitong Huwebes, natuklasang mayroong bacteria ang tubig ng bukal na ginagamit ng mga residente.

PNA