Nagsagawa ng thanksgiving party ang ilang ABS-CBN at Dreamscape executives kasama ang cast ng katatapos lamang na "FPJ's Ang Probinsyano" na itinuturing na pinakamahabang teleserye sa kasaysayan ng Philippine television.
Tinaguriang "Pambansang Pagtatapos" ang naturang finale na tinutukan ng mga manonood at nag-trending sa social media.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/13/first-lady-shawie-tribute-kay-susan-pagbulaga-ni-julia-mga-eksena-sa-finale-ng-fpjs-ang-probinsyano/">https://balita.net.ph/2022/08/13/first-lady-shawie-tribute-kay-susan-pagbulaga-ni-julia-mga-eksena-sa-finale-ng-fpjs-ang-probinsyano/
Isa sa mga nagmarkang aktor sa naturang serye ay si John Arcilla na gumanap na "Renato Hipolito" na talaga namang pinag-usapan ang mga huling linyahan sa finale episode ng teleserye.
"Akin ang Pilipinas… ako ang Pangulo ng Bagong Pilipinas!" makabagbag-damdaming pahayag ni Hipolito bago malagutan ng hininga.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/13/linyahan-ni-john-arcilla-sa-ang-probinsyano-usap-usapan/">https://balita.net.ph/2022/08/13/linyahan-ni-john-arcilla-sa-ang-probinsyano-usap-usapan/
Dahil sa masyadong epektibong pagganap, inamin ni John na marami siyang natatanggap na death threats.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/12/john-arcilla-pinagbabantaan-ng-mga-gigil-na-gigil-na-netizen-dahil-sa-role-niya-sa-ang-probinsyano/">https://balita.net.ph/2022/08/12/john-arcilla-pinagbabantaan-ng-mga-gigil-na-gigil-na-netizen-dahil-sa-role-niya-sa-ang-probinsyano/
Maraming nagsasabing simboliko raw ang mga naturang pahayag, batay sa kasalukuyang mga pangyayari sa Pilipinas.
Ibinahagi ni John sa kaniyang Instagram ang mga litrato nila ni Coco Martin at ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak, sa naganap na thanksgiving party. Dito ay nagpahaging si John na may bagong aabangang serye sa kaniya.
"Ang Probinsyano THANKSGIVING party with the Bosses. Thank you for the 7 years and God bless everyone! See you on my next Serye! Maraming-maraming salamat po. Hipolito signing off. God bless us all!" ani John.
Samantala, natanong naman si Coco Martin sa isang panayam kung ano ang susunod niyang proyekto. Maingay kasi ang mga tsikang remake ulit ng isa sa mga pelikula ni Da King Fernando Poe, Jr. ang muli niyang bubuhayin sa telebisyon. Nauna nang naibalita na ito raw ay "Batang Quiapo".
Aniya, wala pa umanong nailalatag sa kaniya ang mga ABS-CBN bosses.
"Honestly, hindi ko pa alam. Ayaw pa akong gambalain ng mga boss eh, or pag-usapan o pag-meetingan,” ani Coco.
“Siguro after ng mga tour, ng mga mall shows, dahil meron pa kaming US tour, saka namin pag-uusapan kung ano ‘yung next,” dagdag niya.
“Actually, hindi ko pa alam. Honestly, nakarating na sa akin ‘yun. Pero, para sa akin, management ang magdedesisyon. Kasi para sa akin, basta kung ano sa alam ko ‘yung makakapagpasaya sa mga manonood,” sabi pa ng aktor.
Hindi rin sigurado kung magkaka-book 2 pa ang FPJ's Ang Probinsyano lalo't maraming nananawagang ipagpatuloy ito. Buhay pa naman daw ang mga karakter nina President Oscar Hidalgo (Rowell Santiago), Aurora (Sharon Cuneta), at ang huling pag-ibig ni Cardo Dalisay (Coco Martin) na si Mara (Julia Montes).
Pabirong kumakalat sa social media ang ginawang poster para sa season 2 ng mga tagahanga ng naturang serye.