Ibinahagi ng ka look-alike ni Jericho Rosales na si Junrey Baug na nag-courtesy call siya sa alkalde ng Monkayo, Davao De Oro na si Mayor Manuel "Way Kurat" E. Zamora.

"Maraming salamat sa mainit pagtanggap Mayor," ani Baug sa kaniyang Facebook post.

Ipinagmalaki naman ni Baug, na dating karpintero at ngayon ay product endorser, na itatampok siya sa award-winning news magazine show na "Kapuso Mo, Jessica Soho" o KMJS.

"Legit na guys, abangan n'yo po ako sa KMJS," hikayat niya sa madla.

Human-Interest

Paalala sa misis ng mga mister na binabalakubak, umani ng reaksiyon

May be an image of 2 people
Larawan mula sa FB/Junrey Baug

Simula nang maging viral sa social media ay nagtuloy-tuloy na ang pagdating ng mga oportunidad sa naispatang "Jericho Rosales" mula sa Monkayo, isa sa mga munisipalidad sa Davao De Oro.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/03/jericho-rosales-namataang-palakad-lakad-sa-isang-amusement-park-sa-davao/">https://balita.net.ph/2022/08/03/jericho-rosales-namataang-palakad-lakad-sa-isang-amusement-park-sa-davao/

Ibinahagi ng "Bryan Jay Photoshoot" ang ilang kuhang litrato ni Junrey para sa photoshoot ng product endorsement nito. Noong una raw ay nagulat sila nang makita ito, at sabihin sa kanila ng kliyente na kamukha ni Echo ang kukuhanan nila ng litrato.

"Photoshoot with Jericho ng Monkayo!"

"God has always full of surprises!!"

"We did not have any idea for Yesterday's shoot. We were just told by the company that we will be doing a product endorsement shoot."

"On the location site we were surprised when the owner of the company told us that their product model endorser is actor Jericho Rosales look alike who is trending in social media," ayon sa caption nila.

Matatandaang pagkatapos mag-viral ay nagsagawa ng panayam at make-over ang nasa likod ng b/vlog na "Pitik ni DenDen" kay Junrey.

Lutang na lutang umano ang pagka-Jericho Rosales nito, reaksiyon naman ng mga netizen.

Basahin:

https://balita.net.ph/2022/08/11/kamukha-ni-jericho-rosales-product-endorser-na/">https://balita.net.ph/2022/08/11/kamukha-ni-jericho-rosales-product-endorser-na/

Inaabangan naman kung magkikita ba sa personal sina Junrey at Jericho.