Sa nalalapit na pagtatapos ng longest-running teleserye ng Pilipinas na "FPJ's Ang Probinsyano", marami umano ang nagbibirong si "Lolong" lamang daw pala ang makapagpapatumba rito, ang bagong serye ni Kapuso actor Ruru Madrid na katapat naman ng action series ni Coco Martin sa Kapamilya Network.

Sa dami raw ng mga nakatapat na serye ni Ricardo Dalisay na ang ilan ay ilang buwan lamang umere, si Lolong lang daw pala ang makakapagpatibag dito, bagay na binigyang-reaksiyon naman ni Ruru.

"Mataas po ang respeto ko sa lahat ng bumubuo ng Ang Probinsyano lalo na po kay Sir Coco Martin… Ang hangad lang po naming mga artista ay makapagbigay ng magandang palabas para sa mga Pilipino na maipagmamalaki natin sa buong mundo," saad ni Ruru, ayon sa panayam ni Gorgy Rula ng Philippine Entertainment Portal o PEP.

Nagpadala raw ng mensahe sa pamamagitan ng Viber ang lead star ng Lolong, na kamakailan lamang ay nag-trending dahil sa catchy at naughty nitong hashtag na #LolongDaks.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/08/lolongdaks-pinag-uusapan-ng-mga-netizen-sa-twitter-naol-daks/">https://balita.net.ph/2022/07/08/lolongdaks-pinag-uusapan-ng-mga-netizen-sa-twitter-naol-daks/

“To be honest, I wouldn't say na ang Lolong po ang nagpatumba sa Ang Probinsyano dahil kakasimula pa lamang po namin at sila po ay umere ng 7 years kung saan tinutukan at sinubaybayan din po sila ng sambayanang Pilipino."

"Katunayan po nito, ako po ay nakagawa ng ilang mga teleserye na nakatapat ng Ang Probinsyano katulad po ng 'Encantadia,' 'Alyas Robinhood 2,' 'Sherlock Jr.' Nag-guest din po ako sa 'The Cure' at ngayon ang 'Lolong'.

Maliit lamang daw ang industriya ng showbiz at ang goal naman ng bawat isa ay mapasaya ang bawat Pilipinong manonood.