ISABELA - Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) si Isabela 1st District Rep. Antonio "Tonypet" Albano nitong Hulyo 18.

"May I humbly ask for your prayers as I have tested positive for Covid-19 for the very first time. And I have asthma as my comorbidity," ayon sa ipinost ni Albano sa kanyang Facebook page nitong Hulyo 19.

Isinagawa ang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test sa isang medical center at diagnostic center sa Malate, Maynila nitong Lunes at agad ding inilabas ang resulta nito kung saan nadiskubreng positibo sa virus ang kongresista.

Sa kabila nito, sinabi ni Albano na wala siyang nararamdamang sintomas ng sakit at iba pang sakit ng katawan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Aniya, bakunado na siya at naturukan na rin ng booster shot.

"I am taking my medications and vitamins, and I am isolating myself, so that I do not pass the virus to anyone. I am helping myself by being conscious about my surroundings and health," dagdag pa nito sa kanyang social media post.