Tinanggal ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa kanilang puwesto ang dalawang empleyadong sinabing "pangit ang pakikitungo" sa mga humihingi ng tulong sa ahensya.
Ang dalawang kawani ay nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City at sa Tagbilaran City.
"Merong sinasabina-istressdaw, dealing with poor people, the elderly, medyo nakukulitan, medyo hindi na maganda kanilang pakikitungo or attitude," banggit ni Tulfo sa panayam sa telebisyon.
"Yung sa Tagbilaran naman very unfortunate she’s in our complaints section, tumatanggap ng reklamo tapos ganun ang attitude. She will have to undergo retraining," anang opisyal.
Aniya, linggo-linggo siyang nagpapaalala sa mga empleyado nito na "trabaho nila ang tumulong sa publiko."
Tiniyak din niya sa mga tauhan nito, lalo na sa 11,000 contract of service workers na tatagal sila sa trabaho hanggang 2028, depende na lamang kung nagagampanan nang husto ang kanilang trabaho.