PAMPANGA - Natimbog ng pulisya ang isang Amerikano matapos bentahan ng iligal na droga ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Angeles City nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ng PDEA ang suspek na siJames Baginski, 57, pansamantalang nakatira sa Kandi Tower, Brgy. Malabanias, Angeles City, Pampanga at taga-Hawaii.

Sa paunang pagsisiyasat ng mga awtoridad, nahuli sa akto si Baginski habang binebentahannito ng illegal drugs ang mga operatiba ng PDEA sa Room11, Sunlight Lodge, Brgy. Balibago nitong Hulyo 3 ng umaga.

Bago isagawa ang pag-aresto, sinubaybayanmuna ang suspek sa loob ng isang buwan at matapos makumpirma ang iligal na gawain nito ay kaagad na nagkasang operasyon ang PDEA.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa rekord ng PDEA, dumating sa bansa si Baginski noong 2019.

Nasamsam sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng limang gramo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng₱34,500, dalawang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang cocaine, isang driver's license, cellular phone at marked money.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa suspek.