Magandang balita dahil isa na ring tourist spot ngayon ang Clock Tower Museum ng Manila City Hall.

Nabatid nitong Sabado na bago tuluyang matapos ang termino ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, na ngayon ay citizen Isko na, nilagdaan niya ang isang executive order na nagdedeklara sa iconic Manila City Hall Clock Tower Museum bilang isang tourist spot.

Mismong si Domagoso pa ang nanguna sa ribbon-cutting ng nasabing museum kasama sina secretary to the mayor at ngayon ay city administrator Bernie Ang, National Museum Director Jeremy Barns, National Historical Commission of the Philippines Chairman Rene Escalante, National Anti-Poverty Commission Undersecretary Penelope Belmonte at Intramuros Administrator Guiller Asido.

Matatandaang dati nang may panawagan na isailalim sa rehabilitasyon ang nasabing clock tower ngunit nagawa lamang ito makalipas ang 25 taon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nang manungkulan si Domagoso, siya ang nagsulong na gawing isang major tourist attraction ang nasabing clock tower.

Nabatid na sa Manila Clock Tower Museum ay makikita ang iba't-ibang multisensory exhibit ng mga historical events sa Maynila.

Ang “Battle for Manila” portion ay dinisenyo at maingat na pinili at inayos nina Ohm David and Elba Cruz.

Samantala ang visual artist na si Maestro Rene Robles, kasama ang international artists na sina Sherwin Paul Gonzales at Nante Carandang ay itinampok ang kanilang international art movement na may titulong “Assertionism.”

Makikita din sa nasabing museum ang iba pang sining tulad ng award-winning artworks mula sa Tawid Gallery at masterpieces ng furniture artist na si Agi Pagkatipunan.