Nagkagulo ang mga residente ng Antipolo at Marikina nang biglang bumulaga sa lansangan ang isang ga-higanteng buwaya na umano'y pagala-gala sa kanilang lugar.

Ayon sa ulat, aabot umano sa 20 talampakan ang haba ng buwaya. Nakatali ang mga paa at bibig nito sa isang trak at may piring pa ang mga mata.

Nagpiyesta naman ang mga tao sa pagkuha ng larawan dito.

Subalit totoong buwaya nga ba ito?

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang naturang buwaya ay para lamang daw sa promosyon ng action-fantasy series na "Lolong" ni Ruru Madrid na malapit nang umere sa GMA Network.

https://twitter.com/KapusoUnited/status/1540515622856957952

"Make way, Marikina! May dambuhalang bibisita ngayong Sabado na!" saad sa isang social media post ng Kapuso Network.

No description available.
Larawan mula sa FB/Twitter

Si Lolong ay naitalang pinakamalaking nahuling buwaya sa kasaysayan. Isa itong saltwater crocodile (crocodylus porosus) na may sukat na 6.17 m (20 ft 3 in) at timbang na 1,075 kg (2,370 lb),

Namatay si Lolong noong Pebrero 10, 2013 dahil sa pneumonia at cardiac arrest.